12.30.2008

ang aking alaga



dahil inggitero ako sa mga blog na may pet, eto ang version ko.
hehehe yan si susie a.k.a kulet, siya lang naman ang 3rd generation ng pusa sa family namin.
si kulet din ang first male cat na inalagaan ko...
dahil lalaki, mahilig din siyang lumaboy at makipag away sa mga pusa sa kalye namin.
kaya ayan... may sugat sya sa mukha.
infairness malambing tong alaga ko.
hay...
im so proud of him. kaya sya ang unang entry ko this 2009.
wait nyo na lang next entry ko... may pagka-emo yun.
peace out!
happy new year everyone!!!

12.25.2008

for you i will


take this ring as a symbol of my love and faithfulness...
this will bind our two hearts together,
wear this always to remind you how much i care for you.
i will forever cherish you, your lips, your eyes,everything about you.
you are my imperative to live...you brought my life back.
without you i will be lost forever.
your my reason for breathing, for living.
you make me realized how beautiful life is, now i am seeing things in a different way.
you add color to my life.
i promised you that i will take care of you.
i will love you until the end of time.
my life started when i loved you and thats how i want it to end.

-bj tuazon

-----------------------------------------------
dedicated to kaku..

FOR YOU I WILL - MONICA

Yes, when you're feeling lost in the night
When you feel your world just ain't right
Call on me, I will be waiting
Count on me, I will be there
Anytime the times get too tough
Anytime your best ain't enough
I'll be the one to make it better
I'll be there to protect you, see you through
I'll be there, and there is nothing, I won't do

*** I will cross the ocean for you
I will go and bring you the moon
I will be your hero, your strength, anything you need
I will be the sun in your sky
I will light your way for all time, promise you
For you I will, yes yeah, yeah

I will shield your heart from the rain
I won't let no harm come your way
Oh, these arms will be your shelter
No, these arms won't let you down
If there is a mountain to move
I will move that mountain for you
I'm here for you, I'm here forever
I will be your fortress tall and strong
I'll keep you safe, I'll stand beside you right or wrong (rpt ***)
For you i will lay my life on the line,
for you I will fight, oh For you I will die,
with every breath, with all my soul
I'll give my word, I'll give it all
Put your faith in me, put your faith in me
And I'll do anything...oh... (rpt ***)

I will... oh... (rpt ***)

12.24.2008

Christmas = Love


well i guess its true,
Christmas = Love.

hmmm... malamig na ang simoy ng hangin, na-aamoy ko na din ang bagong lutong puto-bumbong. Pasko na nga.
hay, this will be my first Christmas without my dad, sad... but im just thinking that he is in a better place now, happy with our creator, watching over us. to tell you honestly, its hard. pero i know na death, like being born, is part of life's cycle...

what happened made me realized what's the true essence of Christmas.
Before, i was seeing it as a time for family reunions, gift-giving and celebration.
But now, i realized that its not just about the celebration, the mouth-watering food on our table but the most special thing is the moment we spent with our loved ones.
masaya na lahat kayo ay nandun sa moment na yun, sharing stories and laughing about stuff while preparing the food that you will share sa noche buena.. yung preparation and yung mga funny moments nyo...
then all of you will go to mass, to give thanks to the Lord, yung moment kung san lahat kayo sama-samang magdadasal at hihingi ng pasasalamat sa ating lumikha...
after mass, you will enjoy the meal that you all helped to prepare.
tas yung moment na mag exchange kayo ng gifts, and everyone will just simply enjoy the moment.

masarap yung ganun...

"dad, we will surely miss you this Christmas, the laughter you bring to the house, the stories you will share and the comfort that only you, can give. we miss you..."

12.14.2008

kasal-kasali-kasalo?

dahil meron akong last-movie syndrome, eto ang entry ko...

KASAL.

Congrats and best wishes sa aking mga kaibigan na si Anie Fe Banawa and Ryan Samortin. I never imagine that you will end up with each other's arms, isipin mo yun, in the end... true love pa rin ang nagtagumpay.
Saludo ako sa inyo, despite all the trials that you have faced, matibay pa rin kayong dalawa.
Keep the love and compassion going, we will always be here for the both of you.

KASALI.

kasali na nga pala ulit ako sa mga "CALLBOYS". Yup you read it right, nagwowork na ulit ako sa isang BPO company. eto yung reason bakit di ako masyadong nag-update dito sa aking tahanan. Adjusted na ulit ang buhay ko, mejo mahirap sa una pero kailangan, after my dad died, i need a stable income para mabuhay ako at mapag-aral si bunso.
kaya ikaw bunso (alam ko naman na binabasa mo tong blog ko) mag-aral ka ng mabuti, yan lang kaya kong pamana sayo (wosshooo). hehehe

KASALO.

hay. mejo na-iirita ako sa mga bagay-bagay na bumabagabag sakin, di ko lam bakit ganito?
i know that he loves me, and im sure na mahal ko din sya, pero bakit kaya ako nagseselos sa mga past relationships nya??? help dr. love!!!
well, i know this is not good, pero as far as im concerned, contented ako sa kanya, at sa takbo ng relasyon namin, i just hope that we end up like ryan and anya...
just hoping and wishing that someday we will end up to have each other's arms...
kaya mga nag-tatangkang maging KASALO???
back off - b*tch!!!
----

o sya tama na to, SAKAL, SAKALI, SAKLOLO na susunod.
sweeeeet!

12.10.2008

award-winning ver.1

muli ako ay nagbabalik, matapos ma-haggard sa work.
punyetang work yan nakakasira ng pag-blog hehehe.

nga pala,
salamat kay kuya rj sa mga karangalan na kanyang itinampok para sa aking blog.
kahit papano pala may nakaka-appreciate ng aking mga pinag-susulat dito.

unang karangalan:
Candle of Love, Hope and Friendship.
kuya ice maraming salamat sa karangalan na ito, one month na syang wala, missing him so badly!
pero as you've said.. reality talaga. pero from the moment he passed away, it made me realized so many things, hehehe.

pangalawang karangalan:
The Smile Stone Award – for showing kindness and spreading happiness.
eto medyo nakakagulat tong award na to, hehehe isipin nyo naman sa lahat ng emo entry ko dito nakatanggap pa ko nang ganitong award. hehehe, sabagay minsan naman yung mga emo entry ko eh dala na rin ng kagagahan at katangahan, kaya ok na rin. so lets just spread this.

-----------------------------------

first, i wanna say thank you to God, for giving me this chance to shine.
second, to my family, for supporting me all the way.
to kami-kami tropa for all the kakulitan and kaletsehan sa life ko,
to kambal, for my outfit, to marie for my hair and make-up...
to everyone...
thank you!
thank you!
thank you araneta. (regine version)

11.18.2008

nalilito.

naguguluhan ako...

sabi ng utak ko,
wag daw akong mahulog ng tuluyan,
isa ka lang daw ilusyon, isang magandang panaginip.
hindi ka daw totoo at hindi daw ito magtatagal,
wala daw forever sayo,
ako lang daw ang masasaktan.

sabi naman ng puso ko,
ikaw na ang taong hinahanap ko.
ikaw yung matagal ko nang iniintay,
sayo muling natutong magmahal ang puso ko,
dahil sayo lumambot ang damdamin kong bato.

nalilito ako,
tulungan mo naman ako,
mahal kita...
alam mo yan.
kapitan mo ako at sabayan sa paglalakbay na ito.

11.15.2008

Ode to a great man

It’s really hard and heart breaking
To see you go
But it’s the reality that we all must face
For only God has the reason.
I still remember my childhood
The days when we always have fun and play
In my youthful eyes,
I see that you really care.
Time have passed and it feels like forever
Since the time we both talked,
I never noticed that you were always there
You didn’t see that I grew brave.
Now its time to say goodbye,
I felt tears rolling down my face
You are the best man for me, you will always be.
You are the best father that God gave me.

- bj tuazon

11.13.2008

paalam, dad.

And now the end is near,
And so I face the final curtain..
My friends,
I'll say it clear, i'll state my case of which I'm certain.
I've lived a life that's full, I've travelled each and evr'y highway
And more, much more than this,
I did it my way.


Edgardo Rivera Tuazon
Born: March 07 1950
Died: November 08 2008

ill miss you dad... i love you so much.

11.01.2008

emo entry

Paano kung mapa-mahal ka sa isang tao na hindi marunong magmahal?

Huwwwhhaaaat? May pagka-emo, alam ko.
Pero dahil nga sa mga events na nangyari sakin recently, na-experienced ko to.
Pls. read with an open-view on things.
Simula:
Sa aking paglalakbay, nakilala ko ang mortal na ito.
Nagkapalagayan kami ng loob, kahit unang beses pa lang namin nagkita, may halong tiwala at respeto na sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko inalintana na dalin sya sa aming mundo, kung saan bawal ang sino mang mortal.

Love at first sight? Hindi. Dahil di naman talaga katulad nya ang tipo ko.
Siya nga yung tipo ng tao na pwede kong gawin na gamu-gamo kapag humarang sa daraanan ko at nagkataong mainit ang aking ulo.
Pero mali ako.
Sa ilang oras namin na magkasama, unti-unti ko syang nakilala. Ibang klase ang mortal na ito, sa kanyang kwento, hindi pa sya nagkaroon ng pagkakataong umibig.
Hindi sya yung tipo ng tao na gustong makipag-relasyon, ayaw nya ng halikan na may damdamin, laging laman ang nasa utak nya.
Ayaw nya ng lambingan, hindi sya ang tipo na magtatanong kung kumain ka na o gutom ka na ba. kung may pagkain, kumain ka, kung ayaw mo mamatay ka sa gutom, yun ang tipo nya.
Hindi nya alam yung salitang “pagmamahal”, ang alam lang nya ay purong tawag ng laman.
Purong sex lang ang habol nya sa lahat ng kanyang nakaka ulayaw.

Sa una, ayos lang sa akin. Hindi ko naman kasi gusto ang mortal na ito, sabi ko nga “pandagdag lang sa marami kong kaibigan”, pero matapos ang isang gabi na puro kwentuhan at kulitan, bumigay ang pader ng puso ko.
Sa una akala ko ay awa, dahil para syang batang palaboy na matigas sa panlabas na anyo ngunit naghahanap ng kalinga at umiiyak ang nasa kalooban.

Nagkamali ako.
Dumating ang ibang mga engkantado, kwentuhan, tawanan at kulitan na walang humpay.
may nakilala sya na bagong diwata.
Ang diwata ng higad at gabi.
Hindi ko namalayan ngunit bago pa man nagtakip-silim, sila na ang magka-ulayaw.
isinangtabi ko ang aking damdamin.
Nasaktan ako, ngunit hindi ko pinakita o sinabi kanino man.
Hindi ko alam kung anung sakit, sakit na mawalan ng isang kaibigan, o traydurin ng isa pa, o mawala ang isang bagong pag-ibig, sa tatlo, hindi ko gusto ang huli.
Hindi pa nagbubukang-liwayway, sa aking pagpapahinga, naramdaman ko ang kamay nya na kumapit sa akin.
Tinitigan nya ako, walang salita na nabuo sa kanyang labi.
Ramdam ko kung anu ang gusto nyang sabihin, gustong nyang humingi ng kapatawaran.
Iniba ko ang aming usapan.
Alam ko at nararamdaman ko na may gustong mamutawi sa kanyang labi, galling yuon sa puso kaya rinig ko kahit walang tunog. Pero naging bato ko.
Ayoko nang lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang na ganun ang sitwasyon.
Bago magtanghalian, nakatanaw na lang ako sa mortal kasama ang bagong diwata na magkasama at sabay naglalakad palayo.
Masakit, bawat hakbang nya kapalit ay bigat sa aking puso.
Palayo..

Palayo..
Unti-unti na lang sya naging munting kurot sa aking damdamin.

october: a month of distress

It’s nice to be back.
What a month of October.

Grabe tigang talaga yung buwan na yun, halos wala akong entry dito sa blog ko..
Sabagay marami naman yung dahilan kung bakit ako di nakapag-update agad.
As most of you know, naglayas ako.

Opo! Naglayas ako.
Kaya nawalan ako ng everyday connection sa net, at dahil dun kaya hindi ako nakakapag-update.
Hindi naman talaga pag-lalayas na matatawag yung ginawa ko, umalis lang ako sa aming munting tahanan upang hanapin ang aking sarili at maghanap pa ng maraming mga bagay-bagay.
Halos tatlong linggo din akong nawala.
Sa kabutihang palad, nakita ko naman lahat ng hinahanap ko.
Sarili ko, mga tunay na kaibigan, mga aral na hindi mo matututunan sa apat na sulok ng paaralan, mga gunita na tanging kamatayan na lang ang makakapag-bura sa aking isipan.
Masaya na malungkot, nakaka-tuwa na nakaka-luha, nakakapraning na nakakagago…
Iba talaga ang buhay ng tao.

Hindi ko malalagpasan ang pagsubok na to kung hindi dahil sa mga taong nakilala ko,
salamat sa mga taong gumabay sa akin lalo na sa panahon ng aking pag-iisa.

Sa aking mga tol, alrac, yhx at ayna.
kung wala kayo, malamang patay na ako.
Kayo ang nag silbing taga-gabay patungo sa paghahanap ko sa aking sarili.

Kay Kuya Ice,
Salamat sa mga paalala at mga dasal,
Ikaw ang nagsilbing ilaw na tumanglaw sa akin sa masukal na daan.

Sa mga taong patuloy na nagtetext at nagtatanong ng aking kalagayan,
Kayo ang nagsilbing mumunting mga paalala na hindi ako nag-iisa.

At sa mga taong nakilala ko sa aking paglalakbay, dun sa mga nakatambayan ko sa isang
kanto ng sta.ana manila, kay manong na lagi akong inaalok magkape, at kay tita na labasan ko ng sama ng loob, mabuhay kayo.

Ngayon, bumabalik na si bj, handa na uling harapin ang hamon ng malupit na tadhana.
Pero ngayon, handa na ko sa lahat, sa lahat-lahat.

Ok game na ulet.

10.15.2008

tol for you.

A man needs a woman—
Someone to care, share, and trust.
A man needs a woman—
With whom he can believe.
A man needs a woman—
For him to have a reason to live.
A man needs a woman—
So two can enjoy oneness.
A man needs a woman—
The same as a woman needs a man.

by: william j. ludwikowski
--------------------------------------

for a dear friend, an empowered woman. a woman of substance and elegance.
thank you tol sa lahat ng tulong... isa kang hulog ng langit sa amin.


---

picture taken by kkL tropa.
model: mahalia carla reveche.

10.01.2008

tag game #01

ang aksidente yon ang nagpabago sa buhay ko.nakaharap ko si kamatayan, nakangiti sya.. hindi na nya kailangan magsalita para maintindihan ko ang gusto nyang sabihin.
hindi ko pa panahon, hindi pa iyon ang araw na makakaharap ko si san pedro.
swerte daw ako, totoo.
yun din ang araw na ang kumag na ako, ay nag bago at mas matapang na humaharap sa hamon ng mundo.
tagged by ako si makoy

Here’s the rule:
1. Write a poem or an inspiring line based on a photo of your choice. This photo can be your own, or someone else’s. (If the picture is not yours, please ask permission from the owner when you post it, or better yet, provide only the link to the picture that inspired you, without posting it.)2. Your poem or inspiring line may be of any length, and any genre. It can be humorous, sentimental, heart-warming, whatever. You may write in Ilokano, English or Filipino.
3. Post your inspiring line in your blog and in the comment section of this page (or just a link to your post so we could go and check it there). For poetry submissions, please indicate if you wish your piece to be posted in Bilingual Pen as an article submission.

4. The goal of this game is to get us to write, and express our thoughts and emotions.


im now tagging:

1. myk2ts
2. things&thongs
3. kuya ice
4. flinch
5. kirk

9.30.2008

Red Lions roars to 3-peat.

the Red Lions nailed it.
after a long drought for a single championship that ended last season 82.
the Mendiola-based squad arises and roared their way to their second grand slam championship.

hehehe great things will be given to those who wait...

a sweet victory.
season 84 will be the last time we will see Sam Ekwe and Pong Escobal. the duo completed their playing carrers in a very memorable way.
three years of playing for the lion's den and they always live up to the expectations.

kudos to both of you.
continue the legacy.
even if most of the key players will be graduating next year, the lion's den is still in high hopes that we can still win the crown next year.
Jake Pascual, Eduardo Tecson and Chico Tirona will be the guys to look at next season, after a renewed basketball program and a very supportive Bedan community,
I believed that the red lions will be a contender next year.


To the whole Lion’s den,
Congratulations!!!


"Once a Bedan, always a Bedan"

9.26.2008

bagong buhay na?

kainis.
hindi ako makapag-update...

tigang. tuyot.
wala akong ganang maglagay ng bagong entry kahit andami kong kwento.
para akong nawalan ng passion o libog ng pluma.
hindi ko alam kung dahil ito sa pagbalik ko sa graveyard shift at nag-aadjust nanaman and circadian rhythm ko o dahil wala akong makitang inspirasyon.
hay.

dahil nga pala sa pagbalik ko sa buhay aswang,
Na-realized ko na kailangan ko nang alagaan katawan ko...
nagpasya ako na ititigil ko na ang paninigarilyo.
medyo mahirap.
limang taon na rin ang nakakalipas mula ng maging adik ako sa nikotina,
halos isang pack ng sigarilyo ang nauubos ko sa isang araw.

dumating pa yung time na in one-seating lang nakaka-isang pack ako.

taena.
im not getting any younger.
kaya i commit myself to lessen or even stop smoking.
sabi ng mga barkada ko, di ko raw kaya.
ako daw yung tipo ng tao na di mabubuhay pag walang yosi,
sabi ko, kakayanin ko, not only for me but for everyone else. (earth-friendly na ko remember?)
so i started last week, everyday i make sure na hanggang 5 sticks lang ako.
i made it.
etong linggo, sabi ko 3 sticks lang ako per day, ok naman.
next week im planning to have one stick per day pero pag di kaya 2 sticks muna.

mejo critical yung next week, lalo na sa ganitong weather, hopefully makaya ko. hehehe
gradually mukang makakayanan ko syang tanggalin sa system ko.
ill be super happy pag na-accomplish ko to by the end of this year.

im crossing my fingers...

9.16.2008

signos?

Isang linggo ko nang napapansin ang isang paru-paro na umaaligid sa aming bahay, noong lunes habang naninigarilyo sa terrace ay bigla itong lumipad pa-ikot sa akin.

Maraming mga kasabihan ang matatanda tungkol sa mga ganitong bagay; mayroong tungkol sa pera, na lalapitan ka daw ng pera pag dumapo sayo ang paru-paro, meron din naman na ito daw ay mga espiritu ng ating mga namayapang minamahal na nagsasabi lang na sila ay laging nakagabay sa atin at kung anu-ano pang mga matatandang kasabihan.
Setyembre ika-walo, araw nang kapanganakan ng mahal na birheng Maria, ang ina nang ating tagapagligtas, ito rin ang kaarawan ng aking lola. Ito ang unang pumasok sa aking isipan, malamang si lola ito na nagsasabi lang na lagi syang nakagabay sa amin.
Akala ko rin naman na ito ay senyales nang parating na swerte, pero wala rin.
Normal na lumipas ang dalawang araw.
Pero napansin ko na hindi pa rin umaalis ang paru-paro.
Dito ko napagpasyahan na kuhanan sya ng litrato.

Pagkakita ko sa litrato, naantig ang aking puso, ang pakpak ng paru-paro ay may punit. Kaya pala hindi ito makalipad ng maayos,
saka ko na-alala, na itong buwan pala na to ang ika-isang taon ng aksidente ng tatay ko. Nakakalungkot dahil ang dating masigla at masayahin kong ama ay nakahiga na lamang sa kama at hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan.

Signos?
Senyales?
Tanging ang lumikha lang ang siyang nakaka-alam.

9.11.2008

For you..

I am almost there...
I can feel your heartbeat even from a far.
I want to be there beside you,
I will give up the world for you.

Through dark and stormy nights,
We will be together.

I need you,
Your eyes that tells me how you will take care of me,
Your arms that offers me comfort and security,
Your lips, as red as blood, the lips that I want to kiss every time.

I am beginning to feel something,
The rush of blood and the tingle inside me,
those butterflies inside my stomach.
I know, this time I am right.
Yes!
I am starting to fall.

9.06.2008

dear blog,

1month and 15days ka na, and having 300+ visitors, I must say you are doing fine. After 8 posts, I guess your life is not as bad as I assumed… I thought you are stagnant, that you will only be heading to self destruction but my guess was wrong.
Comparing you and your brother, who by the way turns 4 this November, you are more straight-forward and optimistic. Just like how I am dealing with my life right now.
I am hoping you will stay that way forever, being the youngest of my blogs, you will sometimes feel pressured and an outcast, but don’t worry; you are equipped with the right thoughts and character to face difficulties in life.

Many great things and adventure awaits you, look forward to it. Don’t be afraid to try new things, fear will be a major opponent try to win against it.
Pride, angst, discrimination and rejection will play a big role to bring you down, learn to play with them.
Challenges are part of everyone’s life, learn from every experience, and don’t forget to treasure each and every moment.
Your greatest enemy is you.

You are addictive, in a good way.
Your always there for me, you became my instant best friend.
A companion I can reach whenever, wherever I am.
It’s like having a serious romantic relationship with less complications.

Having you gives me a thing to look forward to.
Thank you for being there, listening to my rants, raves and the boring stories of my life.
You add more meaning and color to my simple ways.
Keep it up; it’s nice to know that you are a source of inspiration not only to me but others as well.

I congratulate you, a job well done.
Keep going, learn and experience more things in life.
It’s your simple yet complex way of thinking that can get you far.
Just always believe.
Kudos!

your friend,
bj.

8.29.2008

Epistaxis.

I decided to meet up yesterday with some elementary friends, and boy it was a blast.
Siguro mga 8 months ko na rin di nakikita ang mga mokong na to, and I miss them so much kaya yesterday, we grab an opportuniy to have a reunion, dinner sa megamall.
We’ve been friends since grade 4 and it’s really nice that we kept the friendship until now,  andun na yung kabisado na namin ang isa’t-isa, we have our own language and yung conversations without words, yung tipong titignan kalang nya sa mata and poof! Instant message na agad. Daig pa nga namin ang mobile phone sa bilis ng dating ng message.


ito kami before...


Anyway, these guys still amuses me until now, kahit ang tagal nanamin magkakasama.
Yesterday while having dinner, andun yung small talks, chikahan, kamustahan, asaran and the dreaded shovel-an.


(Shovel-an – term na ginagamit namin pag nag-uungkat ng kung anu-anung kalokohan nung bata.)


While in the middle of the conversation, Jen, the model-ish of the barkada, suddenly blurted out a word that can really give you a nosebleed, the term is EPISTAXIS.
Woooooh! So we all went silent and look at Jen as if she’s from another planet talking with their own language.

EPISSSSS????? What?
So she tried to explain, after her blah-blahs.
It’s a medical term for nose bleeding, bitch!
Hehehe, now that can really give me a nose bleed, uhm or should I say EPISTAXIS,
That’s just genius.

eto kami ngayon...


See. How can they not amuse you, we have a solid friendship, our own language and the ability to talk like your not from earth, I simply love this people.

8.20.2008

white lady?

Nung bata pa ko, mahilig akong manood ng mga horror movies, katulad ng Shake, Rattle and Roll, Sa Piling ng Aswang, Patayin sa Sindak si Barbara at kung anu-ano pang mga pelikula na hilig takutin ang musmos na utak ng tulad ko.
Sa totoo lang ay hindi naman ako matapang, hindi rin naman ako duwag tipong tama lang, pero kahit ganun, may saya pa ring dulot para sa akin ang panonood ng horror movies.

Sa dinami-rami ng mga napanood ko nung bata, isang karakter lang talaga ang kahit ngayon ay nagpapatindig ng aking balahibo, yun ang WHITE LADY.
Ang karakter na ito ay malimit na pino-portray na babaeng walang mukha, mahaba ang buhok at laging nakasuot ng mahabang damit na kulay puti.

Kagabi, as usual, nagising nanaman ako ng ala-sais ng gabi (hirap talaga matulog ng normal pagsanay ka na sa call-center world), nanood ng tv, nagyosi at kung anu-ano pa ang ginawa ko.
Mga bandang alas-dos na ng madaling araw ng naisipan kong mag-online. Yung PC namin eh nasa sulok at madilim na parte ng aming kabahayan….
Asa estado ako ng pagkabagot ng may kaluskos akong narinig mula sa labas ng bahay,
bilang tanging gising sa bahay namin, sinilip ko to at napag-alaman na pusa ko lang pala ang lumikha ng ingay.


Pagbalik ko sa harap ng PC, wala pang limang minuto ay pinanindigan ako ng balahibo sa aking nakita, natuyo ang lalamunan at parang lumaki ang ulo ko. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang anyong ito:

Sa una, hindi ako makapagsalita sa sobrang takot at kaba…
Lumutang ako sa isang estado kung san bumalik lahat ang alaala ng mga pelikulang napanood ko nung bata.

Makalipas ang ilang minuto saka lang nag-sync in sakin ang realidad
Y yun at naka facial mask,
Hindi nyo rin naman siguro ako masisisi, ika nga, ako ay nadala lamang ng pagkakataon.
sa sobrang inis ko,
Muntik ko na syang mabatukan.
Susundin ko na talaga si mommy, iiwasan ko na talaga ang masyadong pagka-kape.

Nasabi ko na lang sa aking sarili:
Lintik na horror yan, sarap talagang panuorin!

8.19.2008

bagong header

wala nanaman akong magawa.
kaya eto kinalikot ko nanaman ang aking blog,
bagong header.

kuha sa quezon province trip namin last 2005 with my tropa.
oo summer na summer,
wala tayong magagawa eh. ganda nung shot.

meron akong sinusulat na entry.
abangan. ^_^

8.16.2008

Lomo what?

Lomography?
an alien word from my good friend, pipita.
so i did some researched..

and according to Wiki:
Lomography
- is the commercial trademark of Lomographische AG, Austria for products and services related to photography.
- emphasizes casual, snapshot photography.
- characteristics such as over-saturated colors, off-kilter exposure, blurring, "happy accidents," and alternative film processing are often considered part of the "Lomographic Technique".


Lomographer - a person practicing Lomography.

wah nosebleed.
yun naman pala, Lomography is also a form of Photography, there are just small things that are quite different in Lomo compared to other high-end photography.
In Lomo, they dont use high-end cameras instead they use toy cameras, and by the word 'toy', it means a lot lighter in terms of weight, no complicated buttons, simple controls and easier to use compared to DSLR's and SLR cams, and its really cute.

compared to high-end photography, Lomo is a stress-less hobby.
why?


you dont need to be a professional!
for people like me na walang basic knowledge in photography and greatly relying on my instinct and gut-feeling to capture that one great picture, its nice to know that you dont need to have the right angle, lighting or even the perfect subject to achieve what you want, as they say, the distorted the picture the better.

you dont need to be rich!
Lomo is a budget-friendly hobby. hindi mo kailangan gumastos ng libo-libo just to feed your artistic thirst, a good Lomo cam can cost you around 2k to 5k depending on the brand you want.

you dont need to worry!
Lomographers are encouraged to have a lighter approach when shooting, "happy incidents" are good. distortions that we dont want to see in our films like saturated colors, blurry pictures and exposure can really add up to the fun and artistic factor of our films.


here's the Holga, the one im planning to have.
what's nice about it,

:inexpensive, medium format 120 film toy camera
:made in China

:around 2k inclusice of the body, strap and a film.
known for
:vignetting
:blur
:other distortionsim planning to buy one before the end of august,
pag meron na ko, magstart na kami ni pipitang mag shoot.
tara sama ka...


LOMO motto: "dont think, just shoot"

8.10.2008

poetic attempt #01

Yosi- bj tuazon.

Malamig ang simoy ng hangin,
Nagbabadya ng papalapit na pangungulila.
Nagising ako sa pagkakahimbing,
Walang laman ang utak, halos hindi gumagana.

Nagbabanta ang pag-ulan, madilim ang kalangitan.
Di ako masyadong gumalaw.
Halos walang lakas ang lumalabas sa aking katawan,
walang gana sa pagkain at paggalaw, marahil pati sa paghinga.

Nagbukas ako ng isang stik ng yosi.
Hithit!
Langit ang pakiramdam ng unang usok,
usok na pumasok sa aking nangungulilang baga.
Nagdulot ito ng init, nang kalinga, nang pagmamahal.
Panandalian ligaya sa isang nilalang na nabubulok!

Hithit!
Nagdulot naman ito ng ngiti, nang pag-asa at nang ligaya.
Hindi lang sa aking baga kung hindi pati sa aking kaluluwa.
Buga! Ang init ay unti-unting nawawala, at dulot nito ay isang matinding pangungulila.
Bagay na nagbigay lamig at takot sa buo kong katawan.

Hithit!
Isang pa uling langit ang pakiramdam.
Nakakapagbigay ng init sa isang nanlalamig na kaibuturan.
Nakakapayapa ng kalamnan.

Buga!
Parang lahat ng aking suliranin ay sumasama,
Halos wala ng bigat ang aking nadarama.
Kasabay marahil ng paglabas ng usok sa aking katawan ang lahat,
Ang lahat-lahat!

Di ko halos namalayan, paubos na ang stick.
Masakit man para sa akin, ay kaylangan ng mamaalam.
Ang sandaling ligayang naidulot,
Ay siguradong tatatak sa aking puso.

Ngunit hindi magtatagal ay hahanap-hanapin ng aking katawan
Ang init na dala ng isang hithit ng yosi,
Nagdadala ng nakakapasong ligaya,
Sa isang tigang na kaluluwa.
Di maglalaon muli ako ay magbubukas Ng isang stick ng yosi,
Na nagdudulot ng sandaling aliw
Sa kaluluwang wala nang ulirat at unti-unting nababaliw.

7.28.2008

Feast of St.Anne

Friends, last saturday, july 26, was the feast day of St.Anne and St. Joachim [parents of the Virgin Mary.]

pinalaki ako ng parents ko sa isang konserbatibong Katolikong pamamaraan kaya siguro ako fascinated sa mga religious images or poon, i always wanted to have one lalo na pag holy week.pero beside sa aking ambisyon, my mother's clan, lalo na grandparents ko, is really a devotee.


Sta. Ana, Brgy. Calzada, Tipas, Taguig City

sa prusisyon with my tita on top of
the carozza.

Last July 26, 2008 pumunta kami ng Mommy ko sa Calzada, Tipas kung san sya lumaki at nagkaisip. it was a special day for people in Brgy. Calzada cause St. Anne (Sta.Ana) is one of their patron saints. At bilang owner ng poon kami ang toka sa lahat from the flowers of the carozza to the vestment that the poon was wearing. Its a bit costly pero sabi nga ng mommy ko, its a form of sacrifice for our family but blessing will be poured down to us, and true enough... Poon Sta. Ana has been with our family since the 1950's and totoo na talagang maraming blessings na dumating at patuloy na dumarating.

nagstart ang prusisyon and the band plays a familiar song, 'Karakol' - a kind of music and dance that devotees dance to show their devotion. the older people dance in a very rhythmic manner, ang galing. siguro wala pang mga 10mins. sa prusisyon ng biglang umambon kala ko magtatakbuhan sa gilid ang mga tao but NO! while raining tuloy ang sayawan at kasiyahan, at may mga bahay din na nagpapa-agaw ng mga junkfoods, candies, puto at money... and take note coins na tig-10 and 5, they believe na pag nagbato ka ng mga pagkain at pera sa caroza ng sta. ana ay dodoble ang blessing sayo for the whole year and for the people na kasama naman sa procession, ang pagsalo sa mga binabato ay parang simbolo ng mga blessing na makukuha kaya the more the merrier. it was really fun and a good experienced for me na halos 10 taon na rin nung huling mapanood ang event na to.

kaya i promised myself na gagawin ko na din panata to every year.

yung mga tao nagiintay ng mga paagaw from different houses.

the ball shape figures na binabato nila ay malalaking santol na kasing laki ng baseball. hehehe. ilag!!!!

kaya next year ill make sure na makakapunta ko ulit dito specially kami ng mga cousins ko ang nakatoka para mag-ayos kay Poon Sta. Ana.

Till next year! Viva Sta. Ana!

7.24.2008

Chef Bj: Spag ala Zodiac

---------spag ala zodiac--------
ingridients:

Century tuna flakes in veg oil (180g)
Hunt's traditional style spag sauce (751g)
4 cloves garlic (minced)
1 medium sized onion (finely chopped)
2 tbsp. sugar
luncheon meat (cubed) ****
cooked pasta
parmesan cheese
basil leaf (chopped)
salt & pepper to taste
note:
for the cubed luncheon meat, pwedeng alternative ang bacon o hotdog or any thing na leftover nyo, its your choice.

how to:
igisa ang bawang at sibuyas. lagay ang cubed luncheon meat or any leftover of your choice then ang tuna.
after 3-5 mins. ilagay ang Hunt's spag sauce, let it simmer. set aside.

lagay ang cooked pasta sa pan, lagyan ng considerable amount of sauce at haluin. [considerable amount meaning the pasta will be coated by the sauce pero enough lang para hindi parang sabaw.]

turn off the pan then lagay ang chopped basil at cheese.[turn off the pan para hindi ma-over cooked yung basil at cheese, by doing this, naluluto nung mainit na pasta and sauce yung basil and cheese that gives it a very nice aroma.]
ready to serve.

------------------------------------------------

hehe ayan nanaman. meron nanaman akong adventure sa kusina.
why its called spag ala zodiac? kasi when i was cooking this dish, i was watching zodiac in hbo.
im not that ecstatic about the movie but who cares, ang gwapo kaya ni jake gyllenhaal, and robert downey jr??? omg. scorching hot!!!
this dish is really good for leftovers.
hindi sya papasa for a gourmet pasta pero its good for a quick hearty meal you can enjoy with friends.
bon appétit!

7.22.2008

first entry

hep hep hooray!
new blogsite... o ayos! iba naman...

tagal ko nang nawala sa blogging world,
Wala kasi akong ganang mag-blog…
Walang creative juices na dumadaloy sa ugat ko, ika nga ni neri, Walang ka-libog libog sa pagsusulat.
Marami na rin happenings and misadventures ang nangyari since last entry ko.
Pero parang last night yata ang reason kung bakit nag-entry na uli ako.
Nabasa ko kasi yung blog ng isang kaibigan kong Beki na in-love daw sya sa isang lalaking nakilala nya sa vacation nya sa island of kabaklaan o mas kilala sa tawag na Puerto Galera.
Hindi naman nakakagulat dahil ang friend ko na to deserves to be happy after every thing he did for his past relationships. Pero eto ngayon si beki ka-text ko, parang naguluhan na daw sya.
Parang hindi na nya love yung guy from the island. Bumalik daw kasi ang isang X nya from who-know where at eto daw yung pinaka-minahal nya sa lahat ng X’s nya.

As of the moment, si Beki parang may fire-drill at mabilis pa kay Flash sa pagtakbo papuntang Bi-noma (trinoma po ito). That makes me wonder, what’s the line between relationship at tawag ng laman???

As of the moment, im single (ooops! dami magrereact! Oo single ulet) and trying to find my way to the arms of the right person, pero andami pa rin mishaps along the way, may nasaktan nanaman akong feelings at napaglaruang emotions, but what can I do, tao lang ako.
Like last vacation I had, may umiyak nanaman because of what I did. Itago natin sya sa pangalang BIN LADEN.
From the start we have this “thing” between us pero I told him that I wasn’t ready to have a serious relationship. Don’t get me wrong, he is a good guy, pero wala sa kanya yung trait na hinahanap ko.
The “thing” we had is like a pseudo-relationship pero hindi sa ganung context..(labo ba?) so punta kami ng vacation thinking na we are ok na ganun…(keep in mind na mga 2 weeks na kami hindi nagkikita ni bin prior sa vacation)…
Eh masama bang lumandi with another person na parang angel na walang pakpak at para kang inaakyat sa langit pag tinititigan ka? (hindi ako naka-drugs, libog ang term dun sa na-feel ko).
Eh wala naman kaming relationship nung guy na yun kaya what i did eh nag-enjoy ako sa pagiging single ko and to defend myself I made it clear sa guy na yun na we are just friends (oo na! friends lang) Pero still nagkaron sya ng emotional attachment sakin.
Ooops wag magtaas ng kilay, alam ko naman na kasalanan ko nanaman ang nangyari but still I’ve pushed something beyond my control. Kaya ending talk-of the-town ang drama ng lola nyo.


Now im back here in my chair, contemplating on what really happened.
Is it just our defense mechanism to believe that its just lust that we feel for certain people that we knew that things wont work out?
Maybe yes.
But for me, certain sacrifices must be done in order for us to have what we really want, even by the expense of other people’s emotions.

taray noh?