9.16.2008

signos?

Isang linggo ko nang napapansin ang isang paru-paro na umaaligid sa aming bahay, noong lunes habang naninigarilyo sa terrace ay bigla itong lumipad pa-ikot sa akin.

Maraming mga kasabihan ang matatanda tungkol sa mga ganitong bagay; mayroong tungkol sa pera, na lalapitan ka daw ng pera pag dumapo sayo ang paru-paro, meron din naman na ito daw ay mga espiritu ng ating mga namayapang minamahal na nagsasabi lang na sila ay laging nakagabay sa atin at kung anu-ano pang mga matatandang kasabihan.
Setyembre ika-walo, araw nang kapanganakan ng mahal na birheng Maria, ang ina nang ating tagapagligtas, ito rin ang kaarawan ng aking lola. Ito ang unang pumasok sa aking isipan, malamang si lola ito na nagsasabi lang na lagi syang nakagabay sa amin.
Akala ko rin naman na ito ay senyales nang parating na swerte, pero wala rin.
Normal na lumipas ang dalawang araw.
Pero napansin ko na hindi pa rin umaalis ang paru-paro.
Dito ko napagpasyahan na kuhanan sya ng litrato.

Pagkakita ko sa litrato, naantig ang aking puso, ang pakpak ng paru-paro ay may punit. Kaya pala hindi ito makalipad ng maayos,
saka ko na-alala, na itong buwan pala na to ang ika-isang taon ng aksidente ng tatay ko. Nakakalungkot dahil ang dating masigla at masayahin kong ama ay nakahiga na lamang sa kama at hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan.

Signos?
Senyales?
Tanging ang lumikha lang ang siyang nakaka-alam.

4 comments:

  1. Ganun ba?

    I hope your dad gets better soon : )

    ReplyDelete
  2. thanks mare,
    pero sabi ko nga...
    tanging ang lumikha lang ang nakakaalam.

    ReplyDelete
  3. pag brown daw kulay ng paro-paro... ibig sabihin may bisitang parating... pag black kaluluwa daw ng namayapang kamag-anak na nagbabantay sau... pag puti, swerte daw sa buhay ang dadapo sau.

    ikaw na lang bahala mag-conclude kung anong senyales ng pagdapo ng paro-paro sa terraza nyo.

    ReplyDelete
  4. Naantig ako ang kalagayan ng iyong ama. Sana ay gumaling na siya. Anong sinabi ng manggagamot? Di mo kasi nabanggit.

    ------
    Natuwa akong nakunan mo ng litrato ang paruparong yan.

    ReplyDelete