8.20.2008

white lady?

Nung bata pa ko, mahilig akong manood ng mga horror movies, katulad ng Shake, Rattle and Roll, Sa Piling ng Aswang, Patayin sa Sindak si Barbara at kung anu-ano pang mga pelikula na hilig takutin ang musmos na utak ng tulad ko.
Sa totoo lang ay hindi naman ako matapang, hindi rin naman ako duwag tipong tama lang, pero kahit ganun, may saya pa ring dulot para sa akin ang panonood ng horror movies.

Sa dinami-rami ng mga napanood ko nung bata, isang karakter lang talaga ang kahit ngayon ay nagpapatindig ng aking balahibo, yun ang WHITE LADY.
Ang karakter na ito ay malimit na pino-portray na babaeng walang mukha, mahaba ang buhok at laging nakasuot ng mahabang damit na kulay puti.

Kagabi, as usual, nagising nanaman ako ng ala-sais ng gabi (hirap talaga matulog ng normal pagsanay ka na sa call-center world), nanood ng tv, nagyosi at kung anu-ano pa ang ginawa ko.
Mga bandang alas-dos na ng madaling araw ng naisipan kong mag-online. Yung PC namin eh nasa sulok at madilim na parte ng aming kabahayan….
Asa estado ako ng pagkabagot ng may kaluskos akong narinig mula sa labas ng bahay,
bilang tanging gising sa bahay namin, sinilip ko to at napag-alaman na pusa ko lang pala ang lumikha ng ingay.


Pagbalik ko sa harap ng PC, wala pang limang minuto ay pinanindigan ako ng balahibo sa aking nakita, natuyo ang lalamunan at parang lumaki ang ulo ko. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang anyong ito:

Sa una, hindi ako makapagsalita sa sobrang takot at kaba…
Lumutang ako sa isang estado kung san bumalik lahat ang alaala ng mga pelikulang napanood ko nung bata.

Makalipas ang ilang minuto saka lang nag-sync in sakin ang realidad
Y yun at naka facial mask,
Hindi nyo rin naman siguro ako masisisi, ika nga, ako ay nadala lamang ng pagkakataon.
sa sobrang inis ko,
Muntik ko na syang mabatukan.
Susundin ko na talaga si mommy, iiwasan ko na talaga ang masyadong pagka-kape.

Nasabi ko na lang sa aking sarili:
Lintik na horror yan, sarap talagang panuorin!

5 comments:

  1. ahahahah.. akala ko sosyal na ang mga white lady ngyun.. ng O-OL na den! hi-tech!

    hay nako.. hindi ko bet yang mga scary shows nung bata pa ako.. lalo na ang twighlight zone.. intor palang nang theme song nila.. takot na ako!! heheh

    padaan po!! =)

    ReplyDelete
  2. hehe..
    pero masarap pa rin manood ng nakakatakot diba???

    ReplyDelete
  3. hehe scary yung sister mo.

    ReplyDelete
  4. she is really scary,
    may pagkamaldita sis ko, mana sakin, maldito.

    hehehe.. scarlet nga tawag ko sa kanya e.

    ReplyDelete
  5. hahahaha!

    Natuwa ako sa kwento mo, at napabilib ako sa photography skills mo. Nakakaya mong kunan ng pictures ang mga bagay na ito, talagang sa moment na yun naisipan mo ba kagad na i-blog? [just like the butterfly in your other post.]

    ReplyDelete