9.16.2008

signos?

Isang linggo ko nang napapansin ang isang paru-paro na umaaligid sa aming bahay, noong lunes habang naninigarilyo sa terrace ay bigla itong lumipad pa-ikot sa akin.

Maraming mga kasabihan ang matatanda tungkol sa mga ganitong bagay; mayroong tungkol sa pera, na lalapitan ka daw ng pera pag dumapo sayo ang paru-paro, meron din naman na ito daw ay mga espiritu ng ating mga namayapang minamahal na nagsasabi lang na sila ay laging nakagabay sa atin at kung anu-ano pang mga matatandang kasabihan.
Setyembre ika-walo, araw nang kapanganakan ng mahal na birheng Maria, ang ina nang ating tagapagligtas, ito rin ang kaarawan ng aking lola. Ito ang unang pumasok sa aking isipan, malamang si lola ito na nagsasabi lang na lagi syang nakagabay sa amin.
Akala ko rin naman na ito ay senyales nang parating na swerte, pero wala rin.
Normal na lumipas ang dalawang araw.
Pero napansin ko na hindi pa rin umaalis ang paru-paro.
Dito ko napagpasyahan na kuhanan sya ng litrato.

Pagkakita ko sa litrato, naantig ang aking puso, ang pakpak ng paru-paro ay may punit. Kaya pala hindi ito makalipad ng maayos,
saka ko na-alala, na itong buwan pala na to ang ika-isang taon ng aksidente ng tatay ko. Nakakalungkot dahil ang dating masigla at masayahin kong ama ay nakahiga na lamang sa kama at hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan.

Signos?
Senyales?
Tanging ang lumikha lang ang siyang nakaka-alam.

20 comments:

  1. Ganun ba?

    I hope your dad gets better soon : )

    ReplyDelete
  2. thanks mare,
    pero sabi ko nga...
    tanging ang lumikha lang ang nakakaalam.

    ReplyDelete
  3. pag brown daw kulay ng paro-paro... ibig sabihin may bisitang parating... pag black kaluluwa daw ng namayapang kamag-anak na nagbabantay sau... pag puti, swerte daw sa buhay ang dadapo sau.

    ikaw na lang bahala mag-conclude kung anong senyales ng pagdapo ng paro-paro sa terraza nyo.

    ReplyDelete
  4. Naantig ako ang kalagayan ng iyong ama. Sana ay gumaling na siya. Anong sinabi ng manggagamot? Di mo kasi nabanggit.

    ------
    Natuwa akong nakunan mo ng litrato ang paruparong yan.

    ReplyDelete
  5. Pno kung light brown wth black and yellow

    ReplyDelete
  6. Gud pm ask ko Lang kng my black and white na paru2 dumapo sa cp ko ano ibig sbhn

    ReplyDelete
  7. gud am po tanong ko lng anu ibig sabihin o pahiwatig na itim na paru paro dumapo skin.tas nka kita po ako kulay dilaw na paru paro sa hallway dinampot ko po.

    ReplyDelete
  8. minuto lng po nkalipas pgkadapo skin na itim na paru paro bgo nkita ko yung dilaw.thanks po

    ReplyDelete
  9. Paru paru brown sa kama ko nkita nkatbi sa akin.. Anu man meaning nia guide nia ko..

    ReplyDelete
  10. Pag bukas ko nang pinto screen namin may sumalubong na dalawang paro paro na itiman sya at may dot na yellow ano po ibig sabihin nyan

    ReplyDelete
  11. Halong takot ang naramdaman ko na may paruparung nakapasok sa loob nang kuarto ko kulay brown na may puti po dumapo po cya sa paa ko at sa tiil ko natatakot ako anong ibig sabihin nito

    ReplyDelete
  12. Anong ibig sabihin ng darkblue na aro paro na may konting black ang kulay,,,dumapo sakin,tapos umikot sa sala namin at dumapo sa may lagayan ng tv.

    ReplyDelete
  13. Hi ...kagabi po may pumasok na brown na paru Paro dito SA bahay tapos kunabas kina umagahan.ngayon Naman po may dalawang paru parong itim .Hindi nakapasok Kasi nagsara ako Ng bintana pero NASA labas Lang SA may balkonahe Yung 2 paru Paro paikot ikot SA may ilaw

    ReplyDelete
  14. Sa akin blue at black lagi yung paru paru na umaaligid sa akin ...twing mag yoyosi ako lagi syang anjan ...ilang days na .

    ReplyDelete
  15. Lagi aq nakakakita nyan s store q paukot ikot tapos mga ilang araw bgla n lang may nababalitaan aq malapit na kaibigan o kapitbahay na namatay, auko sna maniwla pero 3x na kc lagi nangyayari

    ReplyDelete
  16. Ano ibig sabihin NG itim na paru paro na may halong violet

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din dumapo saakin sa tiyan ko sya dumapo buntis po ako natakot ako

      Delete
  17. ᴛᴀɴᴏɴɢ ʟᴀɴɢ sᴀɴᴀ ᴀᴋᴏ ᴋɴɢ ᴀɴᴏɴɢ ɪʙɪɢ sᴀʙᴀʜɪɴ ɴᴀ ᴘᴀʀᴏ ᴘᴀʀᴏ ᴋᴜʟᴀʏ ᴠɪᴏʟᴇᴛ ᴀɴᴅ ʙʀᴏᴡɴ ᴘᴏ ᴛʜᴀɴᴋs

    ReplyDelete
  18. ʟᴜᴍɪʟɪᴘᴀᴅ ɴᴀ ᴘᴀʀᴏ ᴘᴀʀᴏ ɴᴀ ᴠᴏɪʟᴇᴛ ᴀɴᴅ ʙʀᴏᴡɴ

    ReplyDelete