8.29.2008

Epistaxis.

I decided to meet up yesterday with some elementary friends, and boy it was a blast.
Siguro mga 8 months ko na rin di nakikita ang mga mokong na to, and I miss them so much kaya yesterday, we grab an opportuniy to have a reunion, dinner sa megamall.
We’ve been friends since grade 4 and it’s really nice that we kept the friendship until now,  andun na yung kabisado na namin ang isa’t-isa, we have our own language and yung conversations without words, yung tipong titignan kalang nya sa mata and poof! Instant message na agad. Daig pa nga namin ang mobile phone sa bilis ng dating ng message.


ito kami before...


Anyway, these guys still amuses me until now, kahit ang tagal nanamin magkakasama.
Yesterday while having dinner, andun yung small talks, chikahan, kamustahan, asaran and the dreaded shovel-an.


(Shovel-an – term na ginagamit namin pag nag-uungkat ng kung anu-anung kalokohan nung bata.)


While in the middle of the conversation, Jen, the model-ish of the barkada, suddenly blurted out a word that can really give you a nosebleed, the term is EPISTAXIS.
Woooooh! So we all went silent and look at Jen as if she’s from another planet talking with their own language.

EPISSSSS????? What?
So she tried to explain, after her blah-blahs.
It’s a medical term for nose bleeding, bitch!
Hehehe, now that can really give me a nose bleed, uhm or should I say EPISTAXIS,
That’s just genius.

eto kami ngayon...


See. How can they not amuse you, we have a solid friendship, our own language and the ability to talk like your not from earth, I simply love this people.

8.20.2008

white lady?

Nung bata pa ko, mahilig akong manood ng mga horror movies, katulad ng Shake, Rattle and Roll, Sa Piling ng Aswang, Patayin sa Sindak si Barbara at kung anu-ano pang mga pelikula na hilig takutin ang musmos na utak ng tulad ko.
Sa totoo lang ay hindi naman ako matapang, hindi rin naman ako duwag tipong tama lang, pero kahit ganun, may saya pa ring dulot para sa akin ang panonood ng horror movies.

Sa dinami-rami ng mga napanood ko nung bata, isang karakter lang talaga ang kahit ngayon ay nagpapatindig ng aking balahibo, yun ang WHITE LADY.
Ang karakter na ito ay malimit na pino-portray na babaeng walang mukha, mahaba ang buhok at laging nakasuot ng mahabang damit na kulay puti.

Kagabi, as usual, nagising nanaman ako ng ala-sais ng gabi (hirap talaga matulog ng normal pagsanay ka na sa call-center world), nanood ng tv, nagyosi at kung anu-ano pa ang ginawa ko.
Mga bandang alas-dos na ng madaling araw ng naisipan kong mag-online. Yung PC namin eh nasa sulok at madilim na parte ng aming kabahayan….
Asa estado ako ng pagkabagot ng may kaluskos akong narinig mula sa labas ng bahay,
bilang tanging gising sa bahay namin, sinilip ko to at napag-alaman na pusa ko lang pala ang lumikha ng ingay.


Pagbalik ko sa harap ng PC, wala pang limang minuto ay pinanindigan ako ng balahibo sa aking nakita, natuyo ang lalamunan at parang lumaki ang ulo ko. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang anyong ito:

Sa una, hindi ako makapagsalita sa sobrang takot at kaba…
Lumutang ako sa isang estado kung san bumalik lahat ang alaala ng mga pelikulang napanood ko nung bata.

Makalipas ang ilang minuto saka lang nag-sync in sakin ang realidad
Y yun at naka facial mask,
Hindi nyo rin naman siguro ako masisisi, ika nga, ako ay nadala lamang ng pagkakataon.
sa sobrang inis ko,
Muntik ko na syang mabatukan.
Susundin ko na talaga si mommy, iiwasan ko na talaga ang masyadong pagka-kape.

Nasabi ko na lang sa aking sarili:
Lintik na horror yan, sarap talagang panuorin!

8.19.2008

bagong header

wala nanaman akong magawa.
kaya eto kinalikot ko nanaman ang aking blog,
bagong header.

kuha sa quezon province trip namin last 2005 with my tropa.
oo summer na summer,
wala tayong magagawa eh. ganda nung shot.

meron akong sinusulat na entry.
abangan. ^_^

8.16.2008

Lomo what?

Lomography?
an alien word from my good friend, pipita.
so i did some researched..

and according to Wiki:
Lomography
- is the commercial trademark of Lomographische AG, Austria for products and services related to photography.
- emphasizes casual, snapshot photography.
- characteristics such as over-saturated colors, off-kilter exposure, blurring, "happy accidents," and alternative film processing are often considered part of the "Lomographic Technique".


Lomographer - a person practicing Lomography.

wah nosebleed.
yun naman pala, Lomography is also a form of Photography, there are just small things that are quite different in Lomo compared to other high-end photography.
In Lomo, they dont use high-end cameras instead they use toy cameras, and by the word 'toy', it means a lot lighter in terms of weight, no complicated buttons, simple controls and easier to use compared to DSLR's and SLR cams, and its really cute.

compared to high-end photography, Lomo is a stress-less hobby.
why?


you dont need to be a professional!
for people like me na walang basic knowledge in photography and greatly relying on my instinct and gut-feeling to capture that one great picture, its nice to know that you dont need to have the right angle, lighting or even the perfect subject to achieve what you want, as they say, the distorted the picture the better.

you dont need to be rich!
Lomo is a budget-friendly hobby. hindi mo kailangan gumastos ng libo-libo just to feed your artistic thirst, a good Lomo cam can cost you around 2k to 5k depending on the brand you want.

you dont need to worry!
Lomographers are encouraged to have a lighter approach when shooting, "happy incidents" are good. distortions that we dont want to see in our films like saturated colors, blurry pictures and exposure can really add up to the fun and artistic factor of our films.


here's the Holga, the one im planning to have.
what's nice about it,

:inexpensive, medium format 120 film toy camera
:made in China

:around 2k inclusice of the body, strap and a film.
known for
:vignetting
:blur
:other distortionsim planning to buy one before the end of august,
pag meron na ko, magstart na kami ni pipitang mag shoot.
tara sama ka...


LOMO motto: "dont think, just shoot"

8.10.2008

poetic attempt #01

Yosi- bj tuazon.

Malamig ang simoy ng hangin,
Nagbabadya ng papalapit na pangungulila.
Nagising ako sa pagkakahimbing,
Walang laman ang utak, halos hindi gumagana.

Nagbabanta ang pag-ulan, madilim ang kalangitan.
Di ako masyadong gumalaw.
Halos walang lakas ang lumalabas sa aking katawan,
walang gana sa pagkain at paggalaw, marahil pati sa paghinga.

Nagbukas ako ng isang stik ng yosi.
Hithit!
Langit ang pakiramdam ng unang usok,
usok na pumasok sa aking nangungulilang baga.
Nagdulot ito ng init, nang kalinga, nang pagmamahal.
Panandalian ligaya sa isang nilalang na nabubulok!

Hithit!
Nagdulot naman ito ng ngiti, nang pag-asa at nang ligaya.
Hindi lang sa aking baga kung hindi pati sa aking kaluluwa.
Buga! Ang init ay unti-unting nawawala, at dulot nito ay isang matinding pangungulila.
Bagay na nagbigay lamig at takot sa buo kong katawan.

Hithit!
Isang pa uling langit ang pakiramdam.
Nakakapagbigay ng init sa isang nanlalamig na kaibuturan.
Nakakapayapa ng kalamnan.

Buga!
Parang lahat ng aking suliranin ay sumasama,
Halos wala ng bigat ang aking nadarama.
Kasabay marahil ng paglabas ng usok sa aking katawan ang lahat,
Ang lahat-lahat!

Di ko halos namalayan, paubos na ang stick.
Masakit man para sa akin, ay kaylangan ng mamaalam.
Ang sandaling ligayang naidulot,
Ay siguradong tatatak sa aking puso.

Ngunit hindi magtatagal ay hahanap-hanapin ng aking katawan
Ang init na dala ng isang hithit ng yosi,
Nagdadala ng nakakapasong ligaya,
Sa isang tigang na kaluluwa.
Di maglalaon muli ako ay magbubukas Ng isang stick ng yosi,
Na nagdudulot ng sandaling aliw
Sa kaluluwang wala nang ulirat at unti-unting nababaliw.