12.24.2008

Christmas = Love


well i guess its true,
Christmas = Love.

hmmm... malamig na ang simoy ng hangin, na-aamoy ko na din ang bagong lutong puto-bumbong. Pasko na nga.
hay, this will be my first Christmas without my dad, sad... but im just thinking that he is in a better place now, happy with our creator, watching over us. to tell you honestly, its hard. pero i know na death, like being born, is part of life's cycle...

what happened made me realized what's the true essence of Christmas.
Before, i was seeing it as a time for family reunions, gift-giving and celebration.
But now, i realized that its not just about the celebration, the mouth-watering food on our table but the most special thing is the moment we spent with our loved ones.
masaya na lahat kayo ay nandun sa moment na yun, sharing stories and laughing about stuff while preparing the food that you will share sa noche buena.. yung preparation and yung mga funny moments nyo...
then all of you will go to mass, to give thanks to the Lord, yung moment kung san lahat kayo sama-samang magdadasal at hihingi ng pasasalamat sa ating lumikha...
after mass, you will enjoy the meal that you all helped to prepare.
tas yung moment na mag exchange kayo ng gifts, and everyone will just simply enjoy the moment.

masarap yung ganun...

"dad, we will surely miss you this Christmas, the laughter you bring to the house, the stories you will share and the comfort that only you, can give. we miss you..."

12.14.2008

kasal-kasali-kasalo?

dahil meron akong last-movie syndrome, eto ang entry ko...

KASAL.

Congrats and best wishes sa aking mga kaibigan na si Anie Fe Banawa and Ryan Samortin. I never imagine that you will end up with each other's arms, isipin mo yun, in the end... true love pa rin ang nagtagumpay.
Saludo ako sa inyo, despite all the trials that you have faced, matibay pa rin kayong dalawa.
Keep the love and compassion going, we will always be here for the both of you.

KASALI.

kasali na nga pala ulit ako sa mga "CALLBOYS". Yup you read it right, nagwowork na ulit ako sa isang BPO company. eto yung reason bakit di ako masyadong nag-update dito sa aking tahanan. Adjusted na ulit ang buhay ko, mejo mahirap sa una pero kailangan, after my dad died, i need a stable income para mabuhay ako at mapag-aral si bunso.
kaya ikaw bunso (alam ko naman na binabasa mo tong blog ko) mag-aral ka ng mabuti, yan lang kaya kong pamana sayo (wosshooo). hehehe

KASALO.

hay. mejo na-iirita ako sa mga bagay-bagay na bumabagabag sakin, di ko lam bakit ganito?
i know that he loves me, and im sure na mahal ko din sya, pero bakit kaya ako nagseselos sa mga past relationships nya??? help dr. love!!!
well, i know this is not good, pero as far as im concerned, contented ako sa kanya, at sa takbo ng relasyon namin, i just hope that we end up like ryan and anya...
just hoping and wishing that someday we will end up to have each other's arms...
kaya mga nag-tatangkang maging KASALO???
back off - b*tch!!!
----

o sya tama na to, SAKAL, SAKALI, SAKLOLO na susunod.
sweeeeet!

12.10.2008

award-winning ver.1

muli ako ay nagbabalik, matapos ma-haggard sa work.
punyetang work yan nakakasira ng pag-blog hehehe.

nga pala,
salamat kay kuya rj sa mga karangalan na kanyang itinampok para sa aking blog.
kahit papano pala may nakaka-appreciate ng aking mga pinag-susulat dito.

unang karangalan:
Candle of Love, Hope and Friendship.
kuya ice maraming salamat sa karangalan na ito, one month na syang wala, missing him so badly!
pero as you've said.. reality talaga. pero from the moment he passed away, it made me realized so many things, hehehe.

pangalawang karangalan:
The Smile Stone Award – for showing kindness and spreading happiness.
eto medyo nakakagulat tong award na to, hehehe isipin nyo naman sa lahat ng emo entry ko dito nakatanggap pa ko nang ganitong award. hehehe, sabagay minsan naman yung mga emo entry ko eh dala na rin ng kagagahan at katangahan, kaya ok na rin. so lets just spread this.

-----------------------------------

first, i wanna say thank you to God, for giving me this chance to shine.
second, to my family, for supporting me all the way.
to kami-kami tropa for all the kakulitan and kaletsehan sa life ko,
to kambal, for my outfit, to marie for my hair and make-up...
to everyone...
thank you!
thank you!
thank you araneta. (regine version)

11.18.2008

nalilito.

naguguluhan ako...

sabi ng utak ko,
wag daw akong mahulog ng tuluyan,
isa ka lang daw ilusyon, isang magandang panaginip.
hindi ka daw totoo at hindi daw ito magtatagal,
wala daw forever sayo,
ako lang daw ang masasaktan.

sabi naman ng puso ko,
ikaw na ang taong hinahanap ko.
ikaw yung matagal ko nang iniintay,
sayo muling natutong magmahal ang puso ko,
dahil sayo lumambot ang damdamin kong bato.

nalilito ako,
tulungan mo naman ako,
mahal kita...
alam mo yan.
kapitan mo ako at sabayan sa paglalakbay na ito.

11.15.2008

Ode to a great man

It’s really hard and heart breaking
To see you go
But it’s the reality that we all must face
For only God has the reason.
I still remember my childhood
The days when we always have fun and play
In my youthful eyes,
I see that you really care.
Time have passed and it feels like forever
Since the time we both talked,
I never noticed that you were always there
You didn’t see that I grew brave.
Now its time to say goodbye,
I felt tears rolling down my face
You are the best man for me, you will always be.
You are the best father that God gave me.

- bj tuazon

11.13.2008

paalam, dad.

And now the end is near,
And so I face the final curtain..
My friends,
I'll say it clear, i'll state my case of which I'm certain.
I've lived a life that's full, I've travelled each and evr'y highway
And more, much more than this,
I did it my way.


Edgardo Rivera Tuazon
Born: March 07 1950
Died: November 08 2008

ill miss you dad... i love you so much.

11.01.2008

emo entry

Paano kung mapa-mahal ka sa isang tao na hindi marunong magmahal?

Huwwwhhaaaat? May pagka-emo, alam ko.
Pero dahil nga sa mga events na nangyari sakin recently, na-experienced ko to.
Pls. read with an open-view on things.
Simula:
Sa aking paglalakbay, nakilala ko ang mortal na ito.
Nagkapalagayan kami ng loob, kahit unang beses pa lang namin nagkita, may halong tiwala at respeto na sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko inalintana na dalin sya sa aming mundo, kung saan bawal ang sino mang mortal.

Love at first sight? Hindi. Dahil di naman talaga katulad nya ang tipo ko.
Siya nga yung tipo ng tao na pwede kong gawin na gamu-gamo kapag humarang sa daraanan ko at nagkataong mainit ang aking ulo.
Pero mali ako.
Sa ilang oras namin na magkasama, unti-unti ko syang nakilala. Ibang klase ang mortal na ito, sa kanyang kwento, hindi pa sya nagkaroon ng pagkakataong umibig.
Hindi sya yung tipo ng tao na gustong makipag-relasyon, ayaw nya ng halikan na may damdamin, laging laman ang nasa utak nya.
Ayaw nya ng lambingan, hindi sya ang tipo na magtatanong kung kumain ka na o gutom ka na ba. kung may pagkain, kumain ka, kung ayaw mo mamatay ka sa gutom, yun ang tipo nya.
Hindi nya alam yung salitang “pagmamahal”, ang alam lang nya ay purong tawag ng laman.
Purong sex lang ang habol nya sa lahat ng kanyang nakaka ulayaw.

Sa una, ayos lang sa akin. Hindi ko naman kasi gusto ang mortal na ito, sabi ko nga “pandagdag lang sa marami kong kaibigan”, pero matapos ang isang gabi na puro kwentuhan at kulitan, bumigay ang pader ng puso ko.
Sa una akala ko ay awa, dahil para syang batang palaboy na matigas sa panlabas na anyo ngunit naghahanap ng kalinga at umiiyak ang nasa kalooban.

Nagkamali ako.
Dumating ang ibang mga engkantado, kwentuhan, tawanan at kulitan na walang humpay.
may nakilala sya na bagong diwata.
Ang diwata ng higad at gabi.
Hindi ko namalayan ngunit bago pa man nagtakip-silim, sila na ang magka-ulayaw.
isinangtabi ko ang aking damdamin.
Nasaktan ako, ngunit hindi ko pinakita o sinabi kanino man.
Hindi ko alam kung anung sakit, sakit na mawalan ng isang kaibigan, o traydurin ng isa pa, o mawala ang isang bagong pag-ibig, sa tatlo, hindi ko gusto ang huli.
Hindi pa nagbubukang-liwayway, sa aking pagpapahinga, naramdaman ko ang kamay nya na kumapit sa akin.
Tinitigan nya ako, walang salita na nabuo sa kanyang labi.
Ramdam ko kung anu ang gusto nyang sabihin, gustong nyang humingi ng kapatawaran.
Iniba ko ang aming usapan.
Alam ko at nararamdaman ko na may gustong mamutawi sa kanyang labi, galling yuon sa puso kaya rinig ko kahit walang tunog. Pero naging bato ko.
Ayoko nang lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang na ganun ang sitwasyon.
Bago magtanghalian, nakatanaw na lang ako sa mortal kasama ang bagong diwata na magkasama at sabay naglalakad palayo.
Masakit, bawat hakbang nya kapalit ay bigat sa aking puso.
Palayo..

Palayo..
Unti-unti na lang sya naging munting kurot sa aking damdamin.

october: a month of distress

It’s nice to be back.
What a month of October.

Grabe tigang talaga yung buwan na yun, halos wala akong entry dito sa blog ko..
Sabagay marami naman yung dahilan kung bakit ako di nakapag-update agad.
As most of you know, naglayas ako.

Opo! Naglayas ako.
Kaya nawalan ako ng everyday connection sa net, at dahil dun kaya hindi ako nakakapag-update.
Hindi naman talaga pag-lalayas na matatawag yung ginawa ko, umalis lang ako sa aming munting tahanan upang hanapin ang aking sarili at maghanap pa ng maraming mga bagay-bagay.
Halos tatlong linggo din akong nawala.
Sa kabutihang palad, nakita ko naman lahat ng hinahanap ko.
Sarili ko, mga tunay na kaibigan, mga aral na hindi mo matututunan sa apat na sulok ng paaralan, mga gunita na tanging kamatayan na lang ang makakapag-bura sa aking isipan.
Masaya na malungkot, nakaka-tuwa na nakaka-luha, nakakapraning na nakakagago…
Iba talaga ang buhay ng tao.

Hindi ko malalagpasan ang pagsubok na to kung hindi dahil sa mga taong nakilala ko,
salamat sa mga taong gumabay sa akin lalo na sa panahon ng aking pag-iisa.

Sa aking mga tol, alrac, yhx at ayna.
kung wala kayo, malamang patay na ako.
Kayo ang nag silbing taga-gabay patungo sa paghahanap ko sa aking sarili.

Kay Kuya Ice,
Salamat sa mga paalala at mga dasal,
Ikaw ang nagsilbing ilaw na tumanglaw sa akin sa masukal na daan.

Sa mga taong patuloy na nagtetext at nagtatanong ng aking kalagayan,
Kayo ang nagsilbing mumunting mga paalala na hindi ako nag-iisa.

At sa mga taong nakilala ko sa aking paglalakbay, dun sa mga nakatambayan ko sa isang
kanto ng sta.ana manila, kay manong na lagi akong inaalok magkape, at kay tita na labasan ko ng sama ng loob, mabuhay kayo.

Ngayon, bumabalik na si bj, handa na uling harapin ang hamon ng malupit na tadhana.
Pero ngayon, handa na ko sa lahat, sa lahat-lahat.

Ok game na ulet.