Showing posts with label Life Lessons. Show all posts
Showing posts with label Life Lessons. Show all posts

12.24.2008

Christmas = Love


well i guess its true,
Christmas = Love.

hmmm... malamig na ang simoy ng hangin, na-aamoy ko na din ang bagong lutong puto-bumbong. Pasko na nga.
hay, this will be my first Christmas without my dad, sad... but im just thinking that he is in a better place now, happy with our creator, watching over us. to tell you honestly, its hard. pero i know na death, like being born, is part of life's cycle...

what happened made me realized what's the true essence of Christmas.
Before, i was seeing it as a time for family reunions, gift-giving and celebration.
But now, i realized that its not just about the celebration, the mouth-watering food on our table but the most special thing is the moment we spent with our loved ones.
masaya na lahat kayo ay nandun sa moment na yun, sharing stories and laughing about stuff while preparing the food that you will share sa noche buena.. yung preparation and yung mga funny moments nyo...
then all of you will go to mass, to give thanks to the Lord, yung moment kung san lahat kayo sama-samang magdadasal at hihingi ng pasasalamat sa ating lumikha...
after mass, you will enjoy the meal that you all helped to prepare.
tas yung moment na mag exchange kayo ng gifts, and everyone will just simply enjoy the moment.

masarap yung ganun...

"dad, we will surely miss you this Christmas, the laughter you bring to the house, the stories you will share and the comfort that only you, can give. we miss you..."

11.01.2008

october: a month of distress

It’s nice to be back.
What a month of October.

Grabe tigang talaga yung buwan na yun, halos wala akong entry dito sa blog ko..
Sabagay marami naman yung dahilan kung bakit ako di nakapag-update agad.
As most of you know, naglayas ako.

Opo! Naglayas ako.
Kaya nawalan ako ng everyday connection sa net, at dahil dun kaya hindi ako nakakapag-update.
Hindi naman talaga pag-lalayas na matatawag yung ginawa ko, umalis lang ako sa aming munting tahanan upang hanapin ang aking sarili at maghanap pa ng maraming mga bagay-bagay.
Halos tatlong linggo din akong nawala.
Sa kabutihang palad, nakita ko naman lahat ng hinahanap ko.
Sarili ko, mga tunay na kaibigan, mga aral na hindi mo matututunan sa apat na sulok ng paaralan, mga gunita na tanging kamatayan na lang ang makakapag-bura sa aking isipan.
Masaya na malungkot, nakaka-tuwa na nakaka-luha, nakakapraning na nakakagago…
Iba talaga ang buhay ng tao.

Hindi ko malalagpasan ang pagsubok na to kung hindi dahil sa mga taong nakilala ko,
salamat sa mga taong gumabay sa akin lalo na sa panahon ng aking pag-iisa.

Sa aking mga tol, alrac, yhx at ayna.
kung wala kayo, malamang patay na ako.
Kayo ang nag silbing taga-gabay patungo sa paghahanap ko sa aking sarili.

Kay Kuya Ice,
Salamat sa mga paalala at mga dasal,
Ikaw ang nagsilbing ilaw na tumanglaw sa akin sa masukal na daan.

Sa mga taong patuloy na nagtetext at nagtatanong ng aking kalagayan,
Kayo ang nagsilbing mumunting mga paalala na hindi ako nag-iisa.

At sa mga taong nakilala ko sa aking paglalakbay, dun sa mga nakatambayan ko sa isang
kanto ng sta.ana manila, kay manong na lagi akong inaalok magkape, at kay tita na labasan ko ng sama ng loob, mabuhay kayo.

Ngayon, bumabalik na si bj, handa na uling harapin ang hamon ng malupit na tadhana.
Pero ngayon, handa na ko sa lahat, sa lahat-lahat.

Ok game na ulet.