11.01.2008

emo entry

Paano kung mapa-mahal ka sa isang tao na hindi marunong magmahal?

Huwwwhhaaaat? May pagka-emo, alam ko.
Pero dahil nga sa mga events na nangyari sakin recently, na-experienced ko to.
Pls. read with an open-view on things.
Simula:
Sa aking paglalakbay, nakilala ko ang mortal na ito.
Nagkapalagayan kami ng loob, kahit unang beses pa lang namin nagkita, may halong tiwala at respeto na sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko inalintana na dalin sya sa aming mundo, kung saan bawal ang sino mang mortal.

Love at first sight? Hindi. Dahil di naman talaga katulad nya ang tipo ko.
Siya nga yung tipo ng tao na pwede kong gawin na gamu-gamo kapag humarang sa daraanan ko at nagkataong mainit ang aking ulo.
Pero mali ako.
Sa ilang oras namin na magkasama, unti-unti ko syang nakilala. Ibang klase ang mortal na ito, sa kanyang kwento, hindi pa sya nagkaroon ng pagkakataong umibig.
Hindi sya yung tipo ng tao na gustong makipag-relasyon, ayaw nya ng halikan na may damdamin, laging laman ang nasa utak nya.
Ayaw nya ng lambingan, hindi sya ang tipo na magtatanong kung kumain ka na o gutom ka na ba. kung may pagkain, kumain ka, kung ayaw mo mamatay ka sa gutom, yun ang tipo nya.
Hindi nya alam yung salitang “pagmamahal”, ang alam lang nya ay purong tawag ng laman.
Purong sex lang ang habol nya sa lahat ng kanyang nakaka ulayaw.

Sa una, ayos lang sa akin. Hindi ko naman kasi gusto ang mortal na ito, sabi ko nga “pandagdag lang sa marami kong kaibigan”, pero matapos ang isang gabi na puro kwentuhan at kulitan, bumigay ang pader ng puso ko.
Sa una akala ko ay awa, dahil para syang batang palaboy na matigas sa panlabas na anyo ngunit naghahanap ng kalinga at umiiyak ang nasa kalooban.

Nagkamali ako.
Dumating ang ibang mga engkantado, kwentuhan, tawanan at kulitan na walang humpay.
may nakilala sya na bagong diwata.
Ang diwata ng higad at gabi.
Hindi ko namalayan ngunit bago pa man nagtakip-silim, sila na ang magka-ulayaw.
isinangtabi ko ang aking damdamin.
Nasaktan ako, ngunit hindi ko pinakita o sinabi kanino man.
Hindi ko alam kung anung sakit, sakit na mawalan ng isang kaibigan, o traydurin ng isa pa, o mawala ang isang bagong pag-ibig, sa tatlo, hindi ko gusto ang huli.
Hindi pa nagbubukang-liwayway, sa aking pagpapahinga, naramdaman ko ang kamay nya na kumapit sa akin.
Tinitigan nya ako, walang salita na nabuo sa kanyang labi.
Ramdam ko kung anu ang gusto nyang sabihin, gustong nyang humingi ng kapatawaran.
Iniba ko ang aming usapan.
Alam ko at nararamdaman ko na may gustong mamutawi sa kanyang labi, galling yuon sa puso kaya rinig ko kahit walang tunog. Pero naging bato ko.
Ayoko nang lumalim ang pagtingin ko sa kanya.

Hinayaan ko na lang na ganun ang sitwasyon.
Bago magtanghalian, nakatanaw na lang ako sa mortal kasama ang bagong diwata na magkasama at sabay naglalakad palayo.
Masakit, bawat hakbang nya kapalit ay bigat sa aking puso.
Palayo..

Palayo..
Unti-unti na lang sya naging munting kurot sa aking damdamin.

10 comments:

  1. hmmm...

    hindi ko alam kung ano talaga ng status ng mga pangyayari but that mortal doesn't deserve you, mate. yung mga ganung tipo malungkot yung mga ganun. their searching for intimacy and scared to love and most of the time sees sex and intimacy is the same and one... hehehe!

    emo entry ngayong halloween...kakaiba ha? hehehe! joke!

    happy halloween!

    ReplyDelete
  2. Kumusta naman ang moratal at ang diwatang 'yon, may alam ka pa ba? Naging matagumpay ba ang kanilang pagsasama?

    Tama si Ron, RN. Hindi sya karapat-dapat sa iyo. Sana'y nakakita ka na rin ngayon ng tunay na nagmamahal sa iyo.

    ---------------
    Happy Halloween!

    ReplyDelete
  3. mahirap talaga para sa ating mga encantada ang makasalamuha ang mga mortal... naiintindihan ko yan. minsan, laman asa laman ang labanan. pwede naman muna daanin sa puso diba? nakakaloka. maligayang pagbabalik mare. miss you

    ReplyDelete
  4. emo nga hahaha..

    minsan din kasi tayo ang pumipiling magmatigas kaya imbis na mapasaatin, hindi nangyayari..

    well, tama naman siguro ang iba na hindi siya para sayo.. kaya lang, sayang ang kaemohan tsk tsk..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. mejo mahirap talaga mga mare, kaya sinisiksik ko na talaga sa utak ko na bawal magmahal ng mortal ang mga engcantada na katulad natin.
    hehehe apir!

    ReplyDelete
  6. kung gusto nya man mag sorry patawarin mo.. try mo kausapin.. try mong ipaliwag na kanya kung ano ba talaga yong nararamdaman mo..

    maraming namamatay sa maling akala... ang ibig kong sabihin mag-usap kau ng masinsinan para naman alam nyo kung ano ba talaga ang status ninyo..

    ingat ka lagi ha... keep in touch

    ReplyDelete
  7. salamat kuya ice,
    pero huli na ang lahat.

    ayoko na sa mortal na yon, hindi sya nararapat sa akin.
    maraming mga engcantada na ang nagsabi, nakita ko na din kung anu ang dahilan at ayaw nila sa taong yun.

    ReplyDelete
  8. simulang linya pa lang nakakapanindig balahibo na. hehehe. ;)

    ReplyDelete
  9. wow pare. ayos yan. emo entry nga naman. mahirap ang ganyan. siguro maghanap ka na lang ng iba... mahirap na baka sa huli o malamang na sa huli eh masaktan ka ng todo!

    ReplyDelete