11.01.2008

october: a month of distress

It’s nice to be back.
What a month of October.

Grabe tigang talaga yung buwan na yun, halos wala akong entry dito sa blog ko..
Sabagay marami naman yung dahilan kung bakit ako di nakapag-update agad.
As most of you know, naglayas ako.

Opo! Naglayas ako.
Kaya nawalan ako ng everyday connection sa net, at dahil dun kaya hindi ako nakakapag-update.
Hindi naman talaga pag-lalayas na matatawag yung ginawa ko, umalis lang ako sa aming munting tahanan upang hanapin ang aking sarili at maghanap pa ng maraming mga bagay-bagay.
Halos tatlong linggo din akong nawala.
Sa kabutihang palad, nakita ko naman lahat ng hinahanap ko.
Sarili ko, mga tunay na kaibigan, mga aral na hindi mo matututunan sa apat na sulok ng paaralan, mga gunita na tanging kamatayan na lang ang makakapag-bura sa aking isipan.
Masaya na malungkot, nakaka-tuwa na nakaka-luha, nakakapraning na nakakagago…
Iba talaga ang buhay ng tao.

Hindi ko malalagpasan ang pagsubok na to kung hindi dahil sa mga taong nakilala ko,
salamat sa mga taong gumabay sa akin lalo na sa panahon ng aking pag-iisa.

Sa aking mga tol, alrac, yhx at ayna.
kung wala kayo, malamang patay na ako.
Kayo ang nag silbing taga-gabay patungo sa paghahanap ko sa aking sarili.

Kay Kuya Ice,
Salamat sa mga paalala at mga dasal,
Ikaw ang nagsilbing ilaw na tumanglaw sa akin sa masukal na daan.

Sa mga taong patuloy na nagtetext at nagtatanong ng aking kalagayan,
Kayo ang nagsilbing mumunting mga paalala na hindi ako nag-iisa.

At sa mga taong nakilala ko sa aking paglalakbay, dun sa mga nakatambayan ko sa isang
kanto ng sta.ana manila, kay manong na lagi akong inaalok magkape, at kay tita na labasan ko ng sama ng loob, mabuhay kayo.

Ngayon, bumabalik na si bj, handa na uling harapin ang hamon ng malupit na tadhana.
Pero ngayon, handa na ko sa lahat, sa lahat-lahat.

Ok game na ulet.

7 comments:

  1. perfect! yan ang tao. marunong hanapin ang sarili at tumayo sa pinagkadapaan. mabuhay ka mare

    ReplyDelete
  2. salamat mare.
    hehehe game na ulet.

    ReplyDelete
  3. [Opo nabasa ko.]

    Natuwa ako at nakita mo na rin ang iyong hinahanap. Sa iyong pagababalik, mababasa ko na naman, tiyak, ang iyong pagharap sa mga hamon ng malupit na tadhana.

    Good luck, BJ!

    ReplyDelete
  4. salamat po ka rj.
    hehehe exchange links na po.

    ReplyDelete
  5. kaw pa lil bro kita eh..

    basta always pray.. ask guidance kay God sa lahat ng bagay kung naguguluhan ka man.. ok??

    maligayang pagbabalik

    ReplyDelete
  6. sumilip at inenjoy ang iyong mga katha mula kay pareng RJ..

    kakaiba ang atake mo sa iyong mga obra bro, ipagpatuloy mo lang, gusto kong magbasa ng mga ganito..

    see u again :)..rgds

    ReplyDelete