8.10.2008

poetic attempt #01

Yosi- bj tuazon.

Malamig ang simoy ng hangin,
Nagbabadya ng papalapit na pangungulila.
Nagising ako sa pagkakahimbing,
Walang laman ang utak, halos hindi gumagana.

Nagbabanta ang pag-ulan, madilim ang kalangitan.
Di ako masyadong gumalaw.
Halos walang lakas ang lumalabas sa aking katawan,
walang gana sa pagkain at paggalaw, marahil pati sa paghinga.

Nagbukas ako ng isang stik ng yosi.
Hithit!
Langit ang pakiramdam ng unang usok,
usok na pumasok sa aking nangungulilang baga.
Nagdulot ito ng init, nang kalinga, nang pagmamahal.
Panandalian ligaya sa isang nilalang na nabubulok!

Hithit!
Nagdulot naman ito ng ngiti, nang pag-asa at nang ligaya.
Hindi lang sa aking baga kung hindi pati sa aking kaluluwa.
Buga! Ang init ay unti-unting nawawala, at dulot nito ay isang matinding pangungulila.
Bagay na nagbigay lamig at takot sa buo kong katawan.

Hithit!
Isang pa uling langit ang pakiramdam.
Nakakapagbigay ng init sa isang nanlalamig na kaibuturan.
Nakakapayapa ng kalamnan.

Buga!
Parang lahat ng aking suliranin ay sumasama,
Halos wala ng bigat ang aking nadarama.
Kasabay marahil ng paglabas ng usok sa aking katawan ang lahat,
Ang lahat-lahat!

Di ko halos namalayan, paubos na ang stick.
Masakit man para sa akin, ay kaylangan ng mamaalam.
Ang sandaling ligayang naidulot,
Ay siguradong tatatak sa aking puso.

Ngunit hindi magtatagal ay hahanap-hanapin ng aking katawan
Ang init na dala ng isang hithit ng yosi,
Nagdadala ng nakakapasong ligaya,
Sa isang tigang na kaluluwa.
Di maglalaon muli ako ay magbubukas Ng isang stick ng yosi,
Na nagdudulot ng sandaling aliw
Sa kaluluwang wala nang ulirat at unti-unting nababaliw.

No comments:

Post a Comment