7.28.2008

Feast of St.Anne

Friends, last saturday, july 26, was the feast day of St.Anne and St. Joachim [parents of the Virgin Mary.]

pinalaki ako ng parents ko sa isang konserbatibong Katolikong pamamaraan kaya siguro ako fascinated sa mga religious images or poon, i always wanted to have one lalo na pag holy week.pero beside sa aking ambisyon, my mother's clan, lalo na grandparents ko, is really a devotee.


Sta. Ana, Brgy. Calzada, Tipas, Taguig City

sa prusisyon with my tita on top of
the carozza.

Last July 26, 2008 pumunta kami ng Mommy ko sa Calzada, Tipas kung san sya lumaki at nagkaisip. it was a special day for people in Brgy. Calzada cause St. Anne (Sta.Ana) is one of their patron saints. At bilang owner ng poon kami ang toka sa lahat from the flowers of the carozza to the vestment that the poon was wearing. Its a bit costly pero sabi nga ng mommy ko, its a form of sacrifice for our family but blessing will be poured down to us, and true enough... Poon Sta. Ana has been with our family since the 1950's and totoo na talagang maraming blessings na dumating at patuloy na dumarating.

nagstart ang prusisyon and the band plays a familiar song, 'Karakol' - a kind of music and dance that devotees dance to show their devotion. the older people dance in a very rhythmic manner, ang galing. siguro wala pang mga 10mins. sa prusisyon ng biglang umambon kala ko magtatakbuhan sa gilid ang mga tao but NO! while raining tuloy ang sayawan at kasiyahan, at may mga bahay din na nagpapa-agaw ng mga junkfoods, candies, puto at money... and take note coins na tig-10 and 5, they believe na pag nagbato ka ng mga pagkain at pera sa caroza ng sta. ana ay dodoble ang blessing sayo for the whole year and for the people na kasama naman sa procession, ang pagsalo sa mga binabato ay parang simbolo ng mga blessing na makukuha kaya the more the merrier. it was really fun and a good experienced for me na halos 10 taon na rin nung huling mapanood ang event na to.

kaya i promised myself na gagawin ko na din panata to every year.

yung mga tao nagiintay ng mga paagaw from different houses.

the ball shape figures na binabato nila ay malalaking santol na kasing laki ng baseball. hehehe. ilag!!!!

kaya next year ill make sure na makakapunta ko ulit dito specially kami ng mga cousins ko ang nakatoka para mag-ayos kay Poon Sta. Ana.

Till next year! Viva Sta. Ana!

2 comments: