7.28.2008

Feast of St.Anne

Friends, last saturday, july 26, was the feast day of St.Anne and St. Joachim [parents of the Virgin Mary.]

pinalaki ako ng parents ko sa isang konserbatibong Katolikong pamamaraan kaya siguro ako fascinated sa mga religious images or poon, i always wanted to have one lalo na pag holy week.pero beside sa aking ambisyon, my mother's clan, lalo na grandparents ko, is really a devotee.


Sta. Ana, Brgy. Calzada, Tipas, Taguig City

sa prusisyon with my tita on top of
the carozza.

Last July 26, 2008 pumunta kami ng Mommy ko sa Calzada, Tipas kung san sya lumaki at nagkaisip. it was a special day for people in Brgy. Calzada cause St. Anne (Sta.Ana) is one of their patron saints. At bilang owner ng poon kami ang toka sa lahat from the flowers of the carozza to the vestment that the poon was wearing. Its a bit costly pero sabi nga ng mommy ko, its a form of sacrifice for our family but blessing will be poured down to us, and true enough... Poon Sta. Ana has been with our family since the 1950's and totoo na talagang maraming blessings na dumating at patuloy na dumarating.

nagstart ang prusisyon and the band plays a familiar song, 'Karakol' - a kind of music and dance that devotees dance to show their devotion. the older people dance in a very rhythmic manner, ang galing. siguro wala pang mga 10mins. sa prusisyon ng biglang umambon kala ko magtatakbuhan sa gilid ang mga tao but NO! while raining tuloy ang sayawan at kasiyahan, at may mga bahay din na nagpapa-agaw ng mga junkfoods, candies, puto at money... and take note coins na tig-10 and 5, they believe na pag nagbato ka ng mga pagkain at pera sa caroza ng sta. ana ay dodoble ang blessing sayo for the whole year and for the people na kasama naman sa procession, ang pagsalo sa mga binabato ay parang simbolo ng mga blessing na makukuha kaya the more the merrier. it was really fun and a good experienced for me na halos 10 taon na rin nung huling mapanood ang event na to.

kaya i promised myself na gagawin ko na din panata to every year.

yung mga tao nagiintay ng mga paagaw from different houses.

the ball shape figures na binabato nila ay malalaking santol na kasing laki ng baseball. hehehe. ilag!!!!

kaya next year ill make sure na makakapunta ko ulit dito specially kami ng mga cousins ko ang nakatoka para mag-ayos kay Poon Sta. Ana.

Till next year! Viva Sta. Ana!

7.24.2008

Chef Bj: Spag ala Zodiac

---------spag ala zodiac--------
ingridients:

Century tuna flakes in veg oil (180g)
Hunt's traditional style spag sauce (751g)
4 cloves garlic (minced)
1 medium sized onion (finely chopped)
2 tbsp. sugar
luncheon meat (cubed) ****
cooked pasta
parmesan cheese
basil leaf (chopped)
salt & pepper to taste
note:
for the cubed luncheon meat, pwedeng alternative ang bacon o hotdog or any thing na leftover nyo, its your choice.

how to:
igisa ang bawang at sibuyas. lagay ang cubed luncheon meat or any leftover of your choice then ang tuna.
after 3-5 mins. ilagay ang Hunt's spag sauce, let it simmer. set aside.

lagay ang cooked pasta sa pan, lagyan ng considerable amount of sauce at haluin. [considerable amount meaning the pasta will be coated by the sauce pero enough lang para hindi parang sabaw.]

turn off the pan then lagay ang chopped basil at cheese.[turn off the pan para hindi ma-over cooked yung basil at cheese, by doing this, naluluto nung mainit na pasta and sauce yung basil and cheese that gives it a very nice aroma.]
ready to serve.

------------------------------------------------

hehe ayan nanaman. meron nanaman akong adventure sa kusina.
why its called spag ala zodiac? kasi when i was cooking this dish, i was watching zodiac in hbo.
im not that ecstatic about the movie but who cares, ang gwapo kaya ni jake gyllenhaal, and robert downey jr??? omg. scorching hot!!!
this dish is really good for leftovers.
hindi sya papasa for a gourmet pasta pero its good for a quick hearty meal you can enjoy with friends.
bon appétit!

7.22.2008

first entry

hep hep hooray!
new blogsite... o ayos! iba naman...

tagal ko nang nawala sa blogging world,
Wala kasi akong ganang mag-blog…
Walang creative juices na dumadaloy sa ugat ko, ika nga ni neri, Walang ka-libog libog sa pagsusulat.
Marami na rin happenings and misadventures ang nangyari since last entry ko.
Pero parang last night yata ang reason kung bakit nag-entry na uli ako.
Nabasa ko kasi yung blog ng isang kaibigan kong Beki na in-love daw sya sa isang lalaking nakilala nya sa vacation nya sa island of kabaklaan o mas kilala sa tawag na Puerto Galera.
Hindi naman nakakagulat dahil ang friend ko na to deserves to be happy after every thing he did for his past relationships. Pero eto ngayon si beki ka-text ko, parang naguluhan na daw sya.
Parang hindi na nya love yung guy from the island. Bumalik daw kasi ang isang X nya from who-know where at eto daw yung pinaka-minahal nya sa lahat ng X’s nya.

As of the moment, si Beki parang may fire-drill at mabilis pa kay Flash sa pagtakbo papuntang Bi-noma (trinoma po ito). That makes me wonder, what’s the line between relationship at tawag ng laman???

As of the moment, im single (ooops! dami magrereact! Oo single ulet) and trying to find my way to the arms of the right person, pero andami pa rin mishaps along the way, may nasaktan nanaman akong feelings at napaglaruang emotions, but what can I do, tao lang ako.
Like last vacation I had, may umiyak nanaman because of what I did. Itago natin sya sa pangalang BIN LADEN.
From the start we have this “thing” between us pero I told him that I wasn’t ready to have a serious relationship. Don’t get me wrong, he is a good guy, pero wala sa kanya yung trait na hinahanap ko.
The “thing” we had is like a pseudo-relationship pero hindi sa ganung context..(labo ba?) so punta kami ng vacation thinking na we are ok na ganun…(keep in mind na mga 2 weeks na kami hindi nagkikita ni bin prior sa vacation)…
Eh masama bang lumandi with another person na parang angel na walang pakpak at para kang inaakyat sa langit pag tinititigan ka? (hindi ako naka-drugs, libog ang term dun sa na-feel ko).
Eh wala naman kaming relationship nung guy na yun kaya what i did eh nag-enjoy ako sa pagiging single ko and to defend myself I made it clear sa guy na yun na we are just friends (oo na! friends lang) Pero still nagkaron sya ng emotional attachment sakin.
Ooops wag magtaas ng kilay, alam ko naman na kasalanan ko nanaman ang nangyari but still I’ve pushed something beyond my control. Kaya ending talk-of the-town ang drama ng lola nyo.


Now im back here in my chair, contemplating on what really happened.
Is it just our defense mechanism to believe that its just lust that we feel for certain people that we knew that things wont work out?
Maybe yes.
But for me, certain sacrifices must be done in order for us to have what we really want, even by the expense of other people’s emotions.

taray noh?