Ika-9
ng Pebrero, 2014, ipinagdiwang ng Pateros ang kanilang Pistang-Bayan sa ngalan
ng kanilang pintakasi na si Santa Marta. Dahil ako ay isang deboto, hindi ko
pinalagpas ang pagkakataon na sumama at makilahok sa nasabing kapistahan.
Lucas 10:38-42
38 Nangyari, nang sila ay nagpatuloy, na siya ay pumasok sa isang nayon. Isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa kaniyang bahay. 39 Siya ay may kapatid na babaeng tinatawag na Maria, na umupo sa paanan ni Jesus. Sa pag-upo ni Maria, siya ay nakinig sa salita ni Jesus. 40 Si Marta ay abalang-abala sa maraming paglilingkod. Lumapit siya kay Jesus at sinabi: Panginoon, hindi ba mahalaga sa iyo na iwanan ako ng aking kapatid na naglilingkod na mag-isa? Sabihin mo nga sa kaniya na tulungan ako.
41 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag sa maraming mga bagay. 42 Mayroong isang kinakailangan at pinili ni Maria ang mabuting bahagi na hindi makukuha sa kaniya.
Ang Pistang-Bayan ay naging kaugalian na ganapin sa panahon nang anihan at kung kailan malakas ang pangingitlog ng mga itik. Ito rin ay kadalasan natatapat sa kabilugan ng buwan. Tinatayang ika-17 siglo pa nang nagsimula ang ganitong pagdiriwang at dinaraos upang magbigay pasasalamat sa Diyos sa masaganang ani at magandang kabuhayan. Pagpapasalamt din ito sa kanilang Patrona sa walang tigil na pagdarasal at pag gabay sa kanilang bayan.

Tinatawag din na “Pandangguhan Festival” ang pistang ito
sapagkat ang mga lumalahok at nakiki-isa sa prusisyon ay sumasayaw ng pandanggo
mapa-bata man o matanda. "Pagoda sa daan" naman ang isa pang tawag
sapagkat noon unang panahon, ang pagdiriwang ng kapistahan ay sa pamamagitan ng
pagoda sa Ilog ng Pateros. Ngunit dahil sa pagkamatay ng Ilog, ang pagoda ay
ginagawa na lamang sa kalsada at ini-iikot sa buong bayan.
Nakakatuwa na kahit ang mga kabataan ay tinutuloy ang
matandang tradisyon nang mga tiga-Pateros, isang patunay ay mga litrato na kuha
mula sa Pagoda sa Daan. Nagsisilbing itong paalala na magpapatuloy at lalong uusbong
ang tradisyon ng kanilang bayan at hindi mapapabayaan kasabay ng progreso at
makabagong panahon.
Bukod sa Pandangguhan, isa pa sa maipagmamalaki ng Bayan
ng Pateros ay ang tradisyonal na “Pasubo”. Ito ay ang pamimigay ng mga manonood
sa mga nagsasayaw at kalahok sa prusisyon ng mga pagkain katulad ng chichirya,
tinapay, balut, mangga, ponkan at iba pang prutas, o paminsan - minsan naman ay
pera, damit, pamaypay at kung anu-ano pa.
kahon?
yan ang pansalo nila sa mga "ipinapasubo"
Noong araw na iyon, kami ng aking mga kaibigan ay nagsayaw
mula alas-tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabi. Totoong nakakapagod, ngunit
iba ang dulot na saya at magaan sa pakiramdam ang pakikilahok sa isang gawaing
hindi lamang pang pisikal ngunit kasama pati espiritwal.
Hanggang sa muli kong pagsayaw sayo Santa Marta, nagiisang Rosas ng Pateros.
A Big Thank You to:
*the whole Poderes De Sta.Marta for accomodating us.
*Mr. Erico Dela Cruz for the WM.
*and to Rodney Almario for the rest of the pictures.
Musta BJ.
ReplyDeletePumunta ka pala sa Pateros. Nakita ko yang sayawan as in yung start pa lang at mejo nahirapan ako makausad sa daan sa dami ng taong nanunuod at nagsasayaw.
Sayang, di pa kita kilala nun at malamang sa malamang busy ka din sa kakasayaw.
hahaha.. nagka-bangaan tayo. di mo alam?
ReplyDelete